Libreng COVID test alok ng Las Piñas LGU

Libreng COVID test alok ng Las Piñas LGU

January 12, 2022 @ 9:24 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nag-alok ng libreng coronavirus disease o COVID-19 testing ang lokal na pamahalaan ng Las Pinas sa mga residente na nais malaman kung sila ay nahawahan ng nabanggit na virus.

Ayon kay Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar, ang alok ng lokal na pamahalaan na libreng RT-PCR at antigen test ay isasagawa ng Lunes hanggang Biyernes mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon lamang.

Sinabi ni Aguilar na para ma-avial ng residente ang libreng RT-PCR a antigen tests ay tmawag lamang ang mga ito sa COVID-19 hotline ng lungsod na 09271400492 at 0927140098.

Idinagdag pa ni Aguilar na ang kopya ng swab results sa isinagawang test sa isang indibidwal ay maaaring i-request sa [email protected] o tumawag lamang sa mga numerong 09564029964 at 09614260564.

Mariin namang itinanggi ni Aguilar ang napabalitang contactless swab testing ng City Health Office (CHO) kasabay ng paglilinaw ng mayora na ang swab testing ay isasagawa lamang ng CHO at libre ang mga ito.

Ang mga opisyal na resulta naman ng isinagawang RT-PCR ay ipadadala sa mga pasyente sa pamamagitan ng email habang ang mga resulta ng mga pasyente na sumailalim sa antigen test ay maipagkakaloob sa isang pasyente sa loob lamang ng 30 minuto. (James I. Catapusan)