Libreng dialysis sa mas maraming Pinoy, hiling ni Imee

Libreng dialysis sa mas maraming Pinoy, hiling ni Imee

September 12, 2022 @ 2:27 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Senator Imee Marcos ang Philippine Health Insurance Corp. o Philhealth na magbigay pa ng mas maraming libreng dialysis session para sa mga mahihirap na kidney patients.

Ayon sa Senador, napakahalaga ng dialysis treatments dahil ito rin ang nagdugtong sa buhay ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Kung babalikan rin, ang kanyang ama ang nagpatayo ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) noong 1981.

Sa ngayon ay naghahanda na si Sen. Marcos na maghain ng panukala na magdadagdag ng mga libreng dialysis treatments sa indigent patients ng hanggang 180 sessions.

“This means extra savings for indigent patients, in addition to Philhealth benefits that reduce the average P3,500 cost of dialysis per session,” aniya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang sakit sa bato ang isa sa sampong mga dahilan ng kamatayan sa bansa. RNT/JGC