Libreng konsulta, blood at x-ray tests ikinasa ng First Lady, DOH, partylist

Libreng konsulta, blood at x-ray tests ikinasa ng First Lady, DOH, partylist

December 7, 2022 @ 7:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ang “Kalusugan mo ang Puso ng Pasko!” na may hatid libreng konsulta, at blood, at x-ray tests handog ni Unang Ginang Liza Marcos at SAGIP Partylist Rep. Caroline Tanchay katuwang ang Kagawaran ng Kalusugan.

Ang aktibidad na dinaluhan ni Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire ay tampok sa programa ang pagbibigay ng Libreng Blood Test (3 in 1) para sa Cholesterol, blood sugar, at Uric Acid.
May urine dipstick test kits din na ipinamahagi para sa screening ng kidney o urinary tract infections.

Maliban sa mga blood test, handog din ng medical mission ang libreng X-ray tests at libreng konsultasyon.

Malaking bilang ng mga nakatatanda sa Montalban, Rizal ang kasalukuyang nagpapakonsulta sa mga doktor at espesiyalistang naritito gayundin ang mga nakakuha ng mga libreng gamot para sa iba’t ibang karamdaman.

“Isa sa mga isyu ng ating sistemang pangkalusugan ay ang “access”, kaya naman sa pamamagitan ng ating primary care services at ating mga medical mission kagaya nito, nabibigyan natin ng pagkakataon ang ating mga kababayang mula sa malalayong lugar na makatamasa ng serbisyong pangkalusugan.”

“Ito po ang pangako ng Universal Health Care na patuloy naming ihahatid at ilalapit sa ating mga kababayan saang man sulok ng ating bayan,” ani OIC Singh-Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden