Libreng Korean language alok ng KCC PH

Libreng Korean language alok ng KCC PH

July 30, 2020 @ 4:39 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – May alok na libreng online Korean language classes ang Korean Cultural Center in the Philippines (KCC PH) para sa mga nagnanais nito.

Ayon sa ulat, magbubukas ang course para sa beginners na magsisimula sa darating na Agosto ng kasalukuyang taon.

Gaganapin ang klase sa sampung magkakasunod na Linggo hanggang sa Oktubre kung saan gagawin ito kada Huwebes at Biyernes simula 09:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Kaugnay nito, lilimitahan lang ang slots ng hanggang 30 estudyante.

Para sa mga interesado, maaaring mag-register sa online sa pamamamgitan ng Google form at registration link na ipo-post sa kanilang Facebook page ngayong araw, Hulyo 30. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...