Libreng pa-medical, asahan sa ‘Lingap sa Mamamayan’ – INC

Libreng pa-medical, asahan sa ‘Lingap sa Mamamayan’ – INC

July 13, 2018 @ 7:13 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Daang libong mga tao ang inaasahang dadagsa sa ‘Lingap sa Mamamayan’ ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Linggo (July 15).

Ang ‘Lingap sa Mamamayan’ ay ang anti-poverty initiative ng INC na una nang isinagawa sa ibang mga bansa.

Ayon kay INC General Auditor Glicerio Santos Jr., isa itong paraan para makatulong ang simbahan sa problema ng  kahirapan sa buong mundo.

“Poverty is indeed a worldwide problem, but we are aware that it has and continues to be a serious issue in our own country. So while we are spreading our reach and living up to our responsibilities as global citizens, we have not forgotten that we are, first and foremost, Filipinos,” ayon kay Santos.

Inihanda sa aktibidad ang ilang mga medical equipments para sa libreng konsultasyon pangkalusugan.

“We will also offer free consultations in internal medicine, dermatology, pediatrics, ob-gyn, and surgery. Two mini-hospitals with two minor operating rooms will be set up at the venue. Canes, wheelchairs and reading glasses would be given at no cost to Lingap attendees on top of maintenance medicines for hypertension, diabetes, and cholesterol, antibiotics, medicines for children and multivitamins for people of all ages,” pahayag ni Santos.

Nanuna nang naisagawa ang aktibidad na ito sa United States, Canada, Northern at Southern Europe, Australia, New Zealand, Southeast Asia, China, Taiwan, Japan, South Korea, Brazil at ilang bahagi ng Middle East gaya ng Qatar, the United Arab Emirates, at Saudi Arabia.

Mga pagkain naman ang ipinamahagi sa katatapos lang na aktibad sa Africa.

Ayon kay Santos, ang ginamit na pondo ay ang resulta ng isinagawang Worldwide Walk Poverty noong buwan ng Mayo  na umani rin ng tatlong world record sa Guiness. (Remate News Team)