Libreng paayos ng depektong keyboard, inilunsad ng Apple

Libreng paayos ng depektong keyboard, inilunsad ng Apple

June 23, 2018 @ 10:46 AM 4 years ago


 

Opisyal na inamin ng Apple ang depekto ng ‘butterfly’ mechanism sa mga keyboard ng ilan sa kanilang Macbook at Macbook Pro laptops.

Sa inilabas na statement, sinabi ng Apple na naglunsad sila ng MacBook & MacBook Pro keyboard service program para ayusin ito nang libre.

Dagdag pa ng Apple, tanging mga problema lang sa keyboard gaya ng umuulit na mga letra at character, mga hindi mapindot na keys at mga matagal o mabagal na rumespondeng keys.

Pwedeng ipa-service ang mga may sirang keyboards sa mga Apple stores o Apple Authorized service providers nang walang bayad. Kasama sa libreng serbisyo ang mga units na nabili sa loob ng apat na taon.

Nauna rito, meron nang tatlong special class action suits na isinampa sa Amerika laban sa Apple dahil sa mga reklamo laban sa mga nasisirang keyboard pati na ang mga bagong modelo na may tinatawag na “ultra-thin butterfly keyboard designs”. (Remate News Team)