Libreng pera padala para sa OFWs

Libreng pera padala para sa OFWs

November 27, 2022 @ 2:20 PM 2 months ago


NAGSANIB-pwersa ang GCash at Sendwave, isang bagong “fee-free money transfer apps” o’ “libreng pera padala” para sa mga Filipino sa abroad.

Sa paglulunsad ng Sendwave kamakailan sa Quezon City, ipinakilala bilang endorser ng bagong app si King of Talk Show host Boy Abunda na nagsabing, agad siyang napapayag dahil nakita niya ang kahalagahan ng ‘Sendwave app’ sa mga “Kababayan” sa iba’tibang bansa.

“Nakita ko agad ang kahalagahan ng Sendwave para sa ating mga kababayan sa abroad na nagpapakahirap para sa kanilang pamilya. Ang magpadala ka ng iyong kinikita sa iyong pamilya nang walang bayad ay malaking katipiran na, maging sa pagod at abala. Parang nag-text ka lang, at nasa iyong pamilya na ang iyong padalang pera,” paliwanag ni Abunda.

Sinabi naman ni Dan Santos, Sendwave Growth Manager sa Pilipinas, na ang kanilang kompanya ay nakipagtambalan na sa mga  tradisyunal na paraan ng ‘money transfer’ gaya ng bank transfers o’ cash collection, at maging sa mga digital wallet.

Katunayan, ang Sendwave at GCash ay magka-parner na upang matulungan ang OFWs at ang kanilang mga mahal sa buhay na pakinabangang mabuti ang pinaghirapang pera sa pamamagitan ng mabilis at patas na pagpapadala nang walang bayad o’ “remittance na zero transaction fees and reasonable exchange rate.”

Inilunsad ang Sendwave sa Pilipinas noon pang September 2021 bilang tugon sa pandemyang dulot ng COVID-19. Tinatayang makatitipid ang mga OFW ng $1B kada taon, sa paggamit nito.

Samantala, sinabi ni Julie Abalos, International Remittance Head ng GCash, na ang GCash ay isa nang pinakamalaking digital wallet sa Pilipinas. RNT