Libreng RT-PCR tests sa mga lokal na turista magsisimula na sa Enero 28

Libreng RT-PCR tests sa mga lokal na turista magsisimula na sa Enero 28

January 19, 2022 @ 4:57 PM 4 months ago


Manila, Philippines — Ibabalik na ng Department of Tourism (DOT) ang libreng COVID-19 RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) tests sa mga lokal na turista simula Enero 28, batay sa ulat.

Nauna itong pansamantalang suspendihin ng DOT nang tumigil ang kanilang mga partner na laboratory sa pagtanggap ng sample dahil sa nagpositibo sa COVID ang mga staffs nito.

“They stopped processing all ‘yung mga endorsements for free RT-PCR test kasi medyo na-infect din sila and ‘yung mga encoders nila and ‘yung personnel nila kinailangan din mag-isolate muna at mag-quarantine,” ani COVID-19, Tourism Undersecretary Woodrow Maquiling Jr. sa Laging Handa public briefing.

“But we will resume this [program] by Jan. 28 for the start of the travel ng mga turista on Jan. 31 and onwards.”

 “Hopefully gagaling ‘yung mga tauhan natin sa partner establishments natin and hopefully we can go back to our testing already para sa libreng RT-PCR test,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng programa ng DOT, 350 aplikante kada araw ang mabibigyan ng libreng RT-PCR tests sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC). RNT/FGDC