Libreng sakay hatid ng Angkas sa healthcare workers sa nat’l vax days

Libreng sakay hatid ng Angkas sa healthcare workers sa nat’l vax days

November 28, 2021 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mag-aalok ang motorcylce ride-hailing service Angkas ng libreng sakay sa mga healthcare workers papunta at pauwi galing sa vaccination sites sa gaganaping national vaccination drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Sinabi ni Angkas co-founder at chief transport advocate George Royeca sa CNN Philippines na libre ang alok na ito sa mga medical frontliners na nakabase sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Metro Cebu.

Dagdag pa ni Royeca, maaaring bumisita ang interesadong healthcare worker sa Facebook page ng Angkas, kung saan maaari silang magsagot ng link upang mapabilang ang kanilang pangalan sa listahan ng Angkas app.

Makatatanggap naman ng promo code at text message ang healthcare worker upang malaman kung pasok siya sa free ride.

Tinitingnan din ng Angkas na palawigin ang libreng sakay sa mga medical frontliners, dagdag pa ni Royeca.

Target naman ng pamahalaan na makapagturok ng siyam na milyong doses ng COVID-19 vaccine  sa tatlong araw na vaccination drive upang makumpleto ang  target nito na 54 milyong fully vaccinated na Pilipino sa pagtatapos ng taon. RNT/SA