Libreng sakay ng PCG umarangkada na

Libreng sakay ng PCG umarangkada na

August 22, 2022 @ 11:12 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umarangkada na ang ‘Libreng Sakay’ ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga estudyante ngayong unang araw ng klase, ika-22 ng Agosto 2022.

Nagsimulang magsakay ng mga pasahero ang dalawang Coast Guard buses sa Quezon City Hall alas 6 ng umaga. Tatahakin nila ang ruta papuntang University Belt sa España, Maynila.

Pagkarating sa University Belt, iikot naman ang mga Coast Guard buses pa-Luneta Park, bago tuluyang bumalik sa Quezon City.

Magpapatuloy ang programa hanggang 09:00 a.m.

Sa hapon, magsisimula ang Libreng Sakay mula University Belt bandang 04:00 ng hapon hanggang 07:00 ng gabi.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, layon ng programang ito na makabawas sa gastusin ng mga mag-aaral sa pagsisimula ng School Year 2022-2023.

Bukod  sa mga estudyante, binuksan na rin ang mga Philippine Coast Guard (PCG) buses sa mga empleyadong papasok sa kani-kanilang opisina!

Matapos isakay ang lahat ng estudyanteng naaabutan sa daan, isinasakay na rin ng mga Coast Guard personnel ang ibang pasahero para makabawas sa kanilang pamasahe ngayong Lunes. Jocelyn Tabangcura-Domenden