‘Libreng Sakay’ palawigin gamit unallocated funds, savings ng gobyerno-Rep Herrera

‘Libreng Sakay’ palawigin gamit unallocated funds, savings ng gobyerno-Rep Herrera

July 1, 2022 @ 11:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Budget and Management (DBM) na ituloy pa rin ang pagbibigay ng libreng sakay sa commuters sa pamamagitan ng pagpopondo dito gamit ang unallocated funds at savings ng gobyerno.

“In order for Libreng Sakay to extend until December 31, the DOTr and DBM can realign some of the unallocated funds and cumulative savings so far to keep Libreng Sakay going,” paliwanag ni Herrera.

Ang Libreng sakay ay matatandaang pinondohan ng P7-billion mula sa national budget, hanggang Disyembre 2022 dapat tatakbo ang programa subalit kailangan itong kanselahin ng maaga dahil sa kawalan na ng pondo.

Sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion na maraming public utility vehicles (PUVs) ang nag-enrol sa programa kaya naubos agad ang pondo.

Suhestiyon ni Herrera na para maipagpatuloy ang magandang programa ay maaari din na ang kita sa fuel excise tax ay gamitin para pondohan ito sa ilalim na rin ng probisyon na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Maaari rin na mangutang ang pamahalaan ng PHP250 billion hanggang PHP500 billion sa zero interest mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

“The Executive Branch borrowed from the BSP in 2020 when funds were needed for urgent pandemic needs. Now, the urgency to respond to is rising fuel prices and elevated inflation. The Bangko Sentral has enough funds to lend to the DOF,” paliwanag ni Herrera.

Umapela ang lady solon kina Finance Secretary Benjamin Diokno at Transportation Secretary Jimmy Bautista na palawigin ang  Libreng Sakay at humanap ng paraan para maituloy ito lalo na at lubhang mataas ang presyo ng gasolina at mas maraming ordinaryong Filipino ang nagko-commute. Gail Mendoza