Libreng sakay para sa mga estudyante, limitado sa LRT 2 – DOTr

Libreng sakay para sa mga estudyante, limitado sa LRT 2 – DOTr

July 14, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa kasalukuyan, tanging Light Rail Transit 2 (LRT 2) ang magkakaroon ng programang libreng sakay sa susunod na school year, ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Miyerkules.

Subalit inirekomenda ni Bautista kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawang Cabinet meeting, na palawigin ang programa sa Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT 3) at sa Philippine National Railways (PNR).

Hinihintay pa ang pagpayag sa nabanggit na rekomendasyon.

Nauna nang inanunsyo ni Marcos announced na extended ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre 2022.  Aniya, magkakaroon din ng libreng sakay sa mga tren para sa mga estudyante mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4.

Ang paggulong ng libreng sakay ay kasabay ng muling pagbubukas ng klase sa darating na school year, alinsunod kay Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng Department of Education. RNT/SA