Libreng Sakay program naghatid ng pinakamalaking impact; inihirit na muling pondohan

Libreng Sakay program naghatid ng pinakamalaking impact; inihirit na muling pondohan

September 13, 2022 @ 2:50 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Umaapela ang Department of Transportation (DOTr) sa Kamara na muling pondohan ang Libreng Sakay Program dahil sa lahat ng mga naging programa ng ahensya ay ito ang syang nagbigay ng malaking impact sa taumbayan.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations sinabi ni Transport Undersecretary Steve Pastor na P12B ang hiningi nilang pondo para sa Service Contracting Program o Libreng Sakay, ngunit hindi ito inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Depensa naman ng DBM na hindi nila inaprubhan ang panibagong pondo sa Libreng Sakay dahil hindi naman ito “recurring program” ng DOTr at inimplementa lamang nitong pandemic.

Dahil sa limitado lamang ang fiscal space ay hindi ito kayang pondohan bilang pagkonsidera din sa mas maraming priority programs ng pamahalaan.

Sinabi ng DBM na ipinauubaya na nila sa Kamara ang desisyon kung popondohan muli ang programa.

Sa panig ni Pastor sinabi nito na umaasa syang kakatigan ng Kongreso ang malaking impact ng programa sa mga commuters, aniya,wala aniyang ibang programa na maaring pumantay sa naging epekto nito sa drivers, operators lalo na sa mga mananakay lalo at hindi pa rin natatapps ang pandemic. Gail Mendoza