Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, 24 oras gugulong mula Dec. 15

Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, 24 oras gugulong mula Dec. 15

November 12, 2022 @ 10:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magandang balita ang nag-aabang sa mga commuter dahil nakatakdang i-extend sa 24 oras ang operating hours ng programang lireng sakay sa EDSA Bus Carousel sa dalawang huling linggo ng implementasyon nito sa Disyembre.

Kasalukuyang gumugulong ang “Libreng Sakay” program ng Department of Transportation (DoTr) mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi, ayon sa ulat. Palalawigin ito simula Disyembre 15 hanggang 31.

Sinabi ni Secretary Jaime Bautista na gagamitin ng DoTr lahat ng natitirang pondo sa P1.4 bilyong budget na inilaan para sa free ridership program, nakikitang makatutulong sa mas maraming pasahero sa inaasahang pagdagda ng mga tao sa mga mall ngayong Christmas Season.

“Limited and budget natin, no? And pagkakasyahin natin para naman ma-enjoy ng ating mga pasahero,” ani Bautista.

Nakatakdang mapaso ang “Libreng Sakay” program para sa EDSA Bus Carousel sa pagtatapos ng taon at hindi na palalawigin dahil sa kakulangan ng budget.

“Kung bibigyan kami ng ganitong budget ay ipagpapatuloy po natin ang programa na rin, maski on a limited basis,” sabi ni Bautista. RNT/SA