Libreng sakay sa EDSA Carousel hanggang Dec. 31 na lang

Libreng sakay sa EDSA Carousel hanggang Dec. 31 na lang

December 3, 2022 @ 9:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 100 bus ang makikibahagi sa 24/7 na operating hours ng “Libreng Sakay” program sa EDSA Bus Carousel ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa ulat, ang programa ay tatagal hanggang Disyembre 31 at pagsapit ng bagong taon, 2023 ay magbabayad na ng itinakdang bus fares ang mga pasahero.

“Nag-umpisa na po yung coordination meeting po namin with InterAgency Council for Traffic (I-ACT) at saka po Department of Transportation (DOTr) po doon sa transition ng fare box come 2022,” sinabi ni Robert Peig, Executive Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Dagdag pa, kailangan umano ng LTFRB ng P4 bilyon pondo para magpatuloy ang programa sa susunod na taon.

Matatandaan na naglaan ang Kamara ng nasa P2 bilyon sa Libreng Sakay program sa proposed 2023 National Budget.

Sa kabila nito, sinabi ni Peig na hindi ito gagawin buong taon.

“Hindi po siya magiging whole year po yun. Ang mangayayari po kasi nu’n baka for later release po yung budget. So more or less nasa opening of classes na po ‘yun.”

Unang ipinatupad ang Libreng Sakay program noon pang Nobyembre 2020 at sa pag-upo ng bagong administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay inaprubahan nito ang pagpapalawig ng programa hanggang Disyembre 31, 2022. RNT/JGC