Libreng sakay sa EDSA tuloy ‘gang Setyembre-LTFRB

Libreng sakay sa EDSA tuloy ‘gang Setyembre-LTFRB

July 20, 2022 @ 7:41 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Cheloy V. Garafil na may sapat na pondo ang pamahalaan para ipagpapatuloy ang libreng sakay sa EDSA Carousel bus hanggang sa September 6, 2022 sa kabila ng ulat ng mga kakapusan ng bus na bumibiyahe dito.

Sa zoom meeting na isinagawa ng ahensya, sinabi ni Garafil na base sa pakikipagpulong ng Department of Transportation (DOTr) sa mga operator ay isa sa mga nagpa-usapan ay ang payout sa operator upang makabiyahe na ang lahat ng carousel bus sa EDSA.

“Isa sa napag-usapan namin yung payout dahil hindi nila (operator) nababayaran on time ang mga driver” ani pa ni Garafil.

Ayon pa sa chairperson ng LTFRB, isa sa dahilan kung bakit hindi makapag full deployment ang bus company ng kanilang mga biyahe ay dahil ang ilan sa mga driver ay umuwi ng probinsya at hindi nababayaran ng bus operator on time ang kanilang mga driver.

Sinabi pa ni Garafil na sa kasalukuyan umaabot na sa  P310 Million ang naibabayad na ng ahensya sa mga bus operator na nagseserbisyo para sa libreng sakay sa Edsa Carousel bus.

“The libreng sakay will continue until  September 6,” ani pa ni Garafil.

Kaugnay nito kompiyansa naman ang chairperson ng LTFRB na ang 440 bus na bumibiyahe sa EDSA Carousel bus ay magpapatuloy sa sandaling maisaayos na ang mga problema. Santi Celario