Libreng sakay sa LRT-2 aarangkada sa Hunyo 12

Libreng sakay sa LRT-2 aarangkada sa Hunyo 12

June 10, 2022 @ 2:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas, ang Light Rail Transit o LRT-2 ay magbibigay ng libreng sakay sa publiko sa darating na Linggo, Hunyo 12.

Sa anunsyo ng Light Rail Transit Authority o LRTA, ang libreng-sakay sa LRT-2 ay para sa lahat ng mga pasahero sa mga sumusunod na oras:

  • alas-7 hanggang alas-9 ng umaga

  • alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi

Ipapatupad pa rin ang health at safety protocols kontra COVID-19 gaya ng pagsusuot ng face mask sa kanilang mga biyahe, ayon sa LRTA. Jocelyn Tabangcura-Domenden