Libreng sakay sa mga estudyante sa LRT-2, hanggang Nob. 5 na lang!

Libreng sakay sa mga estudyante sa LRT-2, hanggang Nob. 5 na lang!

November 3, 2022 @ 6:02 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Huwebes, Nobyembre 3 na hanggang sa Sabado na lang, Nobyembre 5 ang libreng sakay para sa mga estudyante sa LRT-2.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, aabot sa 1,527,219 na mga estudyante ang nakinabang sa libreng sakay ng LRT line 2 mula Santolan hanggang Recto Avenue na nagsimula noong Agosto 22.

Sa kabila nito, hindi na ito mapapalawig pa at hanggang Sabado na lamang.

Siniguro naman ng LRTA na makatatanggap pa rin ang mga estudyante ng 20% discount sa tren simula Nobyembre 6.

Matatandaang ang naturang programa ay ipinatupad bilang suporta sa mga estudyanteng naapektuhan ng COVID-19 pandemic. RNT/JGC