Libreng sakay sa MRT3, LRT2, PNR para sa gov’t workers gugulong sa Sept. 19

Libreng sakay sa MRT3, LRT2, PNR para sa gov’t workers gugulong sa Sept. 19

September 17, 2022 @ 1:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Libre ang sakay para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno sa tatlong major railway systems services sa Lunes, Setyembre 19, 2022, ayon sa Department of Transportation nitong Sabado.

Inanunsyo ng DOTr sa Facebook na libre ang train rides sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2) at Philippine National Railways (PNR) para sa state workers sa Lunes.

Inihayag nito ang ang libreng sakay ay kasabay ng month-long Philippine Civil Service Anniversary celebration bilang parte ng “Treats to Government Workers” ng Civil Service Commission.

“The free rides offered to our government workers in our major rail lines is the DOTr’s way of honoring them. These civil servants give important contribution and perform indispensable role [in] nation building,” ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

Libre ang sakay para sa government workers sa MRT3 at LRT2 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Samantala, libre naman ang sakay sa PNR para sa government employees para sa buong araw, mula sa una hanggang last trip sa lahat ng operational routes, depende sa availability ng tren.

Kinakailangan lang magpakita ng ID ng government workers bilang patunay ng kanilang employment saan mang government agencies, offices, at instrumentalities. RNT/SA