Libreng tawag, charging station sa evac sites hirit ng NTC sa telcos

Libreng tawag, charging station sa evac sites hirit ng NTC sa telcos

April 1, 2022 @ 9:24 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Iniatas ng National Telecommunications Commission (NTC) sa telecommunications companies na magtayo ng libreng tawag at charging stations sa evacuation sites kasunod ng pag-alburoto ng Taal Volcano.

Sa ipinalabas na memorandum nitong Lunes, ipinag-utos ng NTC sa telcos “to ensure there are a sufficient number of technical and support personnel and standby generators with extra fuel, tools, and spare equipment in the areas affected by the recent volcanic activity of Taal Volcano.”

Matatandaang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal nitong Sabado kasunod ng “short-lived phreatomagmatic burst.”

Ang phreatomagmatic eruptions ay dulot ng pagsasama ng magma at tubig, base sa PHIVOLCS.

Gayundin, inatasan ang telcos “to deploy Libreng Tawag and Libreng Charging Stations in evacuation sites identified by the Provincial Government of Batangas.”

“You are also reminded to coordinate with the LGUs and continue to observe strict health protocols to avoid transmission of COVID-19,” sabi ng NTC.

Inihirit din ng ahensya sa telcos na magtalaga ng mobile cell sites sa mga apektadong lugar. RNT/SA