Libreng tax sa senior citizen, itinutulak ni Cong. Tiangco

Libreng tax sa senior citizen, itinutulak ni Cong. Tiangco

February 2, 2023 @ 10:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naghain ng panukalang batas si Navotas City Representative Toby Tiangco na bigyan ng tax exemption para sa kanilang buwis ang lahat ng senior citizens.

“Majority of Filipino senior citizens do not have financial security. The pension and benefits they receive upon retirement are not enough to sustain their basic needs. Some of the senior citizens do not have a retirement plan at all,” ani Tiangco.

Ang Republic Act No. 9994 ay nagtatakda ng income tax exemption para lamang sa mga senior citizens na kumikita ng minimum wage.

Samantala, ang iminungkahing House Bill No. 6891 ay may layon na palawakin ang sinasaklaw ng income tax exemption sa lahat ng senior citizens magkano man ang halaga ng kinikita ng mga ito.

“Through this measure, we seek to provide a way to somehow ease the burden of our elderly and help them cover their current and future expenses,” dagdag ni Tiangco.

Ayon sa pag-aaral, mahigit sa 800,000 Pilipino na nasa edad 60 pataas ay may P71 lamang kada isang araw.

“We want to help improve the quality of life of our seniors. This, in effect, could maximize their contribution to nation building,” paliwanag ni Tiangco. R.A Marquez