Libreng Wi-Fi sa Paeng evacuees ikinasa ng DICT

Libreng Wi-Fi sa Paeng evacuees ikinasa ng DICT

October 31, 2022 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa pamamagitan ng Free Wi-Fi for All (FW4A) program, nagbigay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng libreng internet access sa evacuees na apektado ng pananalasa ni tropical cyclone Paeng.

Ang inisyatiba ay pinangunahan ng DICT IX at ikinasa sa Southcom National High School Evacuation Center, kung saan maytoong 40 evacuated families.

“As the lead agency of the Emergency Telecommunications Cluster, DICT IX ensures communication aid by providing internet connection [to those in need],” ayon sa DICT nitong Linggo.

Ang FW4A program ng DICT ay isang digital empowerment program na naglalayon na ikonekta ang mga Pilipino sa buong bansa sa pagputol sa tinatawag na “digital divide.”

“The DICT IX FW4A Team has been deployed for pre-assessment of other evacuation centers,” dagdag nito. RNT/SA