#LibrengSakay sa LRT-2 sa Rizal Day

#LibrengSakay sa LRT-2 sa Rizal Day

December 27, 2022 @ 5:11 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nag-anunsyo na ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa darating na Biyernes, Disyembre 30 bilang paggunita sa Rizal Day.

Sa impormasyon, libre ang pamasahe sa LRT-2 simula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Aalis ang unang tren sa Recto at Antipolo station ganap na ika-5 ng umaga at ang huling tren naman ay aalis ng Antipolo station alas-9 ng gabi at Recto station alas-9:30 ng gabi.

“Ang libreng sakay ay bilang pakikiisa ng [Light Rail Transit Authority] sa mga Pilipino sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal,” ayon sa LRTA.

Nagpaalala naman ang LRTA sa mga pasahero na panatilihin pa rin ang umiiral na health, safety at security protocol. Jocelyn Tabangcura-Domenden