#LibrengSakay sa Navotas ikakasa kontra transport strike

#LibrengSakay sa Navotas ikakasa kontra transport strike

March 4, 2023 @ 3:27 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas ng libreng sakay sa mga Navoteño na maapektuhan sa weeklong transport strike.

Naghahanda na ang crisis management team ng lokal na pamahalaan ng Navotas at iba pang pwede na hakbang upang mapagaan ang magiging impact ng isang Linggo na transport strike upang makatulong sa mga Navoteño na maapektuhan lalo na ung mga naghahanapbuhay.

“Aside from the vehicles of the city government, the 18 barangays have also committed to utilize their service vehicles to provide free rides within Navotas,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“Moreover, to ensure that city government services will not be disrupted, integral employees will also be provided with transport services,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi ni Mar Valbuena National President ng Manibela, ang tigil pasada ang unang major protest ng sector public utility vehicles (PUVs) na pinayagan mag-operate under full capacity nang magsimula ang pandemic tatlong taon na nakalipas subalit 40,000 sa mga traditional jeepneys at UV express units ang hindi bibiyahe.

Sa isang press briefing kamakailan, hinikayat ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide, Manibela, Alsa Jeep, National Confederation of Tricycle Operators at Drivers Association of the Philippines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibasura ang June 30 deadline for traditional jeepney operators and drivers na nanganganib mawala ang kanilang mga prangkisa o provisional authorities (PAs).(R.A Marquez)