Libu-libong motorcycle riders, nagprotesta vs doble plaka

Libu-libong motorcycle riders, nagprotesta vs doble plaka

March 24, 2019 @ 11:40 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Nagsagawa ng National Unity Ride ang libu-libong motorcycle riders ngayong Linggo upang tutulan ang batas na naglalayong maiwasan ang paggamit sa motorsiklo sa paggawa ng krimen sa pamamagitan ng malaking plaka at iba pang identification marks.



LOOK | Dumagsa ang mga libu-libong riders para magsagawa ng Nationwide Unity Ride sa may Peoples Power Monument EDSA QC upang tutulan ang doble plaka law. Kuha ni DANNY QUERUBIN

Ayon sa mga organizer ng National Unity Ride, nasa 50,000 motorcycle riders ang nagtipon-tipon sa harapan ng People Power Monument sa EDSA na humarang sa tatlong lane sa northbound side ng EDSA-White Plains area.

Kasunod ng programa, ang motorcade ay nasimula sa monument papuntang Trinoma area sa hilagang parte ng EDSA. Iikot ang motorcade sa EDSA southbound lane papuntang SM Mall of Asia bago ito magtungo sa Macapagal at Diokno Boulevards.

Matatapos ang unity ride sa Senado.




LOOK | Dumagsa ang mga libu-libong riders para magsagawa ng Nationwide Unity Ride sa may Peoples Power Monument EDSA QC upang tutulan ang doble plaka law. Kuha ni DANNY QUERUBIN

Sa ilalim ng Motorcycle Crime Prevention Act, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-8 ng Marso, inaatasan ang Land Transportation Office na mag-isyu ng mas malaki, mas nababasa at color-coded license plates para sa mga motorsiklo sa buong bansa.

Ang plaka ay dapat maging malaki upang mabasa sa layong 15 metro mula sa motorsiklo.

Samantala, umani ang batas ng kaliwa’t kanang pambabatikos kung saan sinasabi ng mga transport group na ang malaking plaka sa motorsiklo ay maaaring ikasama ng rider at ng mga pedestrian.

“If we place plates that are too big and will be affected by wind, there’s no assurance that the mounting points will hold these plates in place,” ani Joebert Bolanos ng Riders of the Philippines sa House hearing noong Enero 2018./Remate News Team