Libu-libong pasahero, istranded sa mga pantalan – PCG

Libu-libong pasahero, istranded sa mga pantalan – PCG

April 10, 2022 @ 12:59 PM 3 months ago


LIBU-LIBONG pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Sorsogon at Cebu matapos na suspendihin ang awtoridad ang biyahe ng mga barko dahil sa Bagyong Agaton.

Sa Matnog Port sa Sorsogon, aabot sa 1,000 pasahero ang hindi makabiyahe papunta sa Visayas.

Karamihan sa kanila ay pauwi sana sa kanilang mga probinsya ngayong Holy Week.

Itinaas naman ng lokal na pamahalaang lungsod ng Cebu ang “blue alert” na nangangahulugan ng mahigpit na pagbabantay ng lahat ng disaster response unit kabilang ang fire bureau at mga pulis.

Sa Eastern Visayas naman, nasa 212 pasahero, mga drayber at helper ang naitalang stranded sa Liloan Port at Port of San Ricardo. RNT/ JCM