Lider ng Bong Chavez Drug Group, bulagta sa shootout

Lider ng Bong Chavez Drug Group, bulagta sa shootout

October 11, 2018 @ 2:49 PM 4 years ago


Rizal – Napatay ng pulisya sa shootout ang itinuturong lider ng isang organized drug syndicate sa Antipolo City, Rizal.

Wala ng buhay na bumulagta sa tabi ng kalsada ang suspek na si Gerardo Sandoval alyas “Tisoy” na sinasabing lider ng Bong Chavez Drug Group.

Nabatid sa report na bukod sa pagsusuplay ng shabu ay sangkot din ang nabanggit na grupo sa mga insidente ng robbery holdup, carnapping, at gun for hire.

Ang lugar ng kanilang operasyon ay sa Metro Manila at mga probinsya sa CALABARZON.

Ayon sa pulisya, akmang aarestuhin na sana nila si Sandoval pero nanlaban umano ito.

Unang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na dahilan naman para gumanti ang mga ito ng putok.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 revolver at limang piraso ng sachet na naglalaman ng shabu. (Jeff Gallos)