Lider ng carnap gang sa Region 2, nalambat

Lider ng carnap gang sa Region 2, nalambat

May 25, 2022 @ 1:57 PM 1 month ago


MADDELA, QUIRINO- Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang tinaguriang lider ng carnapping sa region 2 sa Regional Highway Patrol Unit 2 o RHPU2.

Kinilala ang akusadong si Arturo Maglalang, nasa wastong edad, at residente ng Capalangan, Apalit, Pampanga.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hukom Reymundo Aumentado ng Regional Trial Court Branch 20 Cauayan City dahil sa kasong Qualified Carnapping.

Ayon kay PCapt. Rico Oñate, Police Community Relations Officer ng RHPU2, naaresto ang akusado sa Hermosa, Maddela, Quirino habang nagsasagawa ang kanilang tropa ng Anti Carnapping Operation.

Bukod sa kasong Carnapping si Maglalang ang pangunahing pinaghihinalaan o utak sa pagpatay kay Mark Robin Barroga noong September, 2011 matapos nakawin ang sasakyan nitong Isuzu Bmax.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay ni Barroga sa Aritao, Nueva Vizcaya  kaya sinampahan ng kasong Qualified Carnapping.

Napag-alaman ang aakusado ang pinuno ng Maglalang group na pangunahing nagsasagawa ng carnapping sa mga mio motorcycle.

Ang akusado ay namukhaan ng tropang nagsasagawa ng Anti Carnapping Operation kaya inaresto ngunit itinatanggi ang paratang laban sa kanya at maayos namang sumama sa kapulisan.

Matandaan na unang naaresto ang mga kasamahan ni Maglalang at siya ang pinakahuling inaresto.

Wala namang piyansang inirekomenda para sa pansamantala niyang kalayaan.

Samantala, ipinaalam na rin sa pamilya Barroga ang pagkakadakip ng akusado na pangunahing utak sa pagpaslang sa kanilang kaanak. Rey Velasco