Lider ng drug group patay sa shootout, kasama nadakip

Lider ng drug group patay sa shootout, kasama nadakip

October 17, 2020 @ 3:35 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Laguna – Patay sa engkwentro ang sinasabing leader ng Alomia drug and robbery group samantalang nadakip ang isa niyang kasama makaraang makaengkwentro ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation kanina sa Constantino Compound, Purok 4, Barangay Caingin, Sta. Rosa City.

Dead-on-arrival sa Sta. Rosa Community Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Conrado Alomia, alyas Cedie, 24.

Naaresto naman ang kasama niya na si Kerine Constantino, 31.

Base sa report ni P/Lt.Col. Vicente Amante, hepe ng Sta. Rosa City Police kay P/Col. Serafin Petalio, Provincial Director ng Laguna PNP, dakong 9:50 a.m kanina nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng pulisya sa pangunguna ni P/Capt Raymund Osea.

Gayunman, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang  katransaksyon kaya kinuha ng suspek  ang kanyang cal. 38 revolver.

Kasunod nito ay pinaputukan ang mga pulis kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad na humantong sa pagkamatay ng lider ng Alomia drug and robbery group.

Nabatid sa ulat na ang suspek ay nagsasagawa ng iligal na operasyon sa unang distrito ng Laguna, gayundin sa mga kalapit na lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu. Ellen Apostol


  •  
  •  
  •  

Loading...