Lider ng ‘Elong Basag-Kotse Gang’ at isa pa, arestado na

Lider ng ‘Elong Basag-Kotse Gang’ at isa pa, arestado na

July 5, 2018 @ 3:39 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Arestado ang lider at isa pang miyembro ng notoryus na “Elong Basag-Kotse Gang” na responsable sa serye ng pambabasag sa mga salamin ng sasakyan para matangayan ng mamahaling gamit at cash sa Metro Maynila.

Nalambat na ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) ang lider at isa pang miyemrbo ng notoryus na “Elong Basag-Kotse Gang” na responsable sa serye ng pambabasag sa mga salamin ng sasakyan para matangayan ng mamahaling gamit at cash.

Sa ulat ni Chief Inspector Joselito De Ocampo, hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) nakilala ang mga naarestong sina Jhon Allen Orbigo Dancel alyas “Elong Dancel” at “Elong Gana”, ang lider ng nasabing grupo, na residente ng no.1559 Tindalo st., Tondo, Maynila at Rhaynald Sibug Rodriguez, miyembro ng grupo, ng no.1531 Tindalo st., Tondo

Dakong alas-5 kahapon ng isilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Remebiel Mondia ng  Pasay City Metropolitan Trial Court , National Capital Judicial Region Branch 45, nitong nakalipas na Lunes (Hunyo 2) laban kay Dancel sa New Antipolo st., Tondo, kung saan nakuhanan siya ng isang Black Widow  9 mm caliber revolver na may 3 bala.

Sumunod namang naaresto si Rodriguez dakong alas-7 ng gabi gamit ang warrant of arrest na inisyu ng nabanggit na korte, sa panulukan ng Jose Abad Santos at Bambang St., Tondo.

Nakuha naman mula sa kanya ang  isang hand grenade na may kapasidad sumabog.

Bukod sa proseso ng return of warrant of arrest para sa commitment order, ipinagharap pa ng panibagong reklamong paglabag sa Presidential Decree 1866 (as amended by Section 3 ng Republic Act 9516 o Illegal Possession of Exlosive at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions. (Jocelyn Domenden)