Lider ng ‘Genise Group’ arestado sa 5 ulit na panggagahasa

Lider ng ‘Genise Group’ arestado sa 5 ulit na panggagahasa

October 11, 2022 @ 1:26 PM 2 months ago


ILAGAN CITY, ISABELA- Posibleng habangbuhay na pagkabilanggo ang kahaharapin ng lider ng ‘Genise Group’ dahil walang inirekomendang piyansa sa kanyang kasong limang ulit na panggagahasa o rape matapos na isilbi ang Oplan Pagtugis/Salikop o warrant of arrest ng kapulisan sa loob ng Isabela Provincial Jail dito sa nasabing lungsod.

Pinangunahan ni PMaj. Eric Constantino, Provincial Officer ng Isabela Criminal Investigation and Detection Group-Provincial Field Unit o CIDG-PFU ang pagsilbi ng warrant of arrest sa loob ng bilangguan laban sa akusadong si Aladin Genise alyas “Allan”, nasa tamang edad at may-asawa.

Batay sa isinilbing warrant of arreest na pinagsanib pwersa ng CIDG-PFU at 1st IPMFC laban sa akusado sa kasong panggagahasa o rape sa ilalim ng paragraph 1 (A), art. 266-A of RPC as amended by RA. 8353 na may criminal case #10378 to 10382 (limang ulit) na walang inirekomendang piyansa.

Maliban sa kasong panggagahasa ay may unang kinakaharap sa paglabag sa pag-iingat ng hindi lisensyadong mga armas o RA 10591 na may criminal case # 10320 at Resistance & Disobedience to a person in Authority or Agents of such person na may criminal case #5300 na unang nabilanggo.

Napag-alaman si alyas Allan ay sangkot umano sa ilan krimen at gun running sa lsabela at karatig probinsya. Rey Velasco