Lider ng gun for hire sa Pangasinan nalambat sa Ifugao

Lider ng gun for hire sa Pangasinan nalambat sa Ifugao

May 3, 2022 @ 1:10 PM 2 months ago


ALFONSO LISTA, IFUGAO- Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang tinaguriang lider ng ‘Duque Gun for Hire’ matapos maaresto ng mga kasapi ng CIDG Pangasinan PFU sa Brgy. San Jose, Alfonso Lista, Ifugao.

Kinilala ang suspek na si Lito Cansino Duque, 56-anyos, na halos mahigit 31 taong nagtago sa mga alagad ng batas.

Si Duque ay akusado sa kasong pagpatay sa kanyang kapatid sa Pangasinan.

Ngunit nilinaw ni Duque na self-defense ang kanyang ginawa nang aksidenteng mapatay ang kanyang sariling kapatid noong Enero 1991.

Naaresto ang akusado sa inisyu ni Judge Nicodimo T. Ferrer Presiding Judge of Regional Trial Court, First Judicial Region Br. 38, Lingayen, Pangasinan sa kasong murder o pagpatay na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, napag-alaman ang akusadong maliban sa lider ng “Duque Gun-for-Hire ay ‘Gun running Group” at kabilang sa tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa Provincial sa Pangasinan. Rey Velasco