Lider ng kabataang NPA, sumuko

Lider ng kabataang NPA, sumuko

January 11, 2022 @ 12:06 PM 7 months ago


CAGAYAN-Dahil sa hirap na mamuhay sa kabundukan ay boluntaryong sumuko sa awtoridad ang isang lider ng “Kabataan Makabayan” na nahalal noong 2016 bilang presidente ng kabataan sa kanilang lugar sa binuong organisasyon ng CTG para sa Kabataan, Kababaihan, at grupo ng mga Magsasaka sa Sto. Niño, Cagayan.

Sa pamamagitan ng pinaigting na kampanya sa Executive Order number 70/ National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict ng pinagsanib na tauhan ng Sto Niño PS sa pangunguna ni PLt. Melody Grace Ballesteros, Deputy Chief of Police, sa pangangasiwa naman ni PMaj. Elmo DG Lorenzo, (lead unit) kasama ang 1st Provincial Mobile Force Company, 4th Maneuver Force Platoon, 202nd Regional Mobile Force Battalion at Regional Group of Special Concern sa pakikipag-ugnayan sa kapitan ng Brgy, Balagan, Sto. Nino, Cagayan na si Jocelyn Ramos, boluntaryong sumuko si alyas Berto, 26 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy Balagan, Sto.Niño Cagayan para ipakita ang kanyang suporta sa gobyerno.

Ibinunyag ni alyas Berto na noong taong 2016 pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong Lawin ay naimbitahan siyang dumalo sa pagpupulong na isinagawa ng mahigit o mas mababa sa 100 armadong miyembro ng New People’s Army na pinamumunuan ni Ka Simoy sa Brgy Balagan, Sto. Niño Cagayan upang pag-usapan ang tungkol sa tulong pinansyal (ayuda) at inorganisa ang Organisasyonng Kabataan Makabayan ng Communist Terrorist Groups na nakalaan para sa Kabataan, Kababaihan, at grupo ng mga Magsasaka.

Ayon sakanya, tungkulin di umano nito na simulan ang mga aksyon kung paano mapabuti ang kanilang lugar sa pagkumbinsi ng mga kabataan sa kanilang mga kalapit na barangay at anyayahan ang mga ito na sumama sa kanilang organisasgon subalit mas pinili niyang hindi sundin ang ipinaguutos sakanya dahil nagtatrabaho siya noon sa Tuguegarao City.

Sa ngayon, si alyas Berto ay sumasailalim sa taktikal na interogasyon bago ang disposisyon. Rey Velasco