Lider ng kawatan at gun-for-hire group arestado

Lider ng kawatan at gun-for-hire group arestado

September 9, 2022 @ 1:42 PM 3 weeks ago


ILOILO CITY – Arestado ang lider Libuna-Lego Gang na responsable sa mga nakawan at gun-for-hire operations kasama ang kanyang live-in partner sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad Huwebes sa bayan ng Cabatuan.

Kinilala ang nadakip na si Joan Lego 41- anyos at live in partner nitong si Maylin Araneta, 28-anyos, kapwa residente ng Brgy. Acao, Cabatuan, Iloilo, City.

Batay sa report ng Cabatuan municipal police station (MPS), dakong alas-8 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Ayon kay iloilo Police Provincial Office (IPPO) spokesperson, Senior Master Sergeant Francisco Lindero Jr., sa bisa ng warrant of arrest laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Si Lego ay nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives, theft, carjacking, at two counts of robbery habang theft naman kay Araneta.

Narekober sa mga suspek ang 1- homemade 12 gauge firearm loaded 1 ammunition, 2 live ammo of 12 gauge, 1 fragmentation grenade, 1 black bag.

Nagtamo naman ng sugat sa katawan si Lego ng nagtangkang manlaban ay dinala ito sa Ramon Tabiana Memorial District Hospital para sa paunang lunas pero kalaunan ay inilipat rin sa ospital sa Cabatuan .

“They are very active and their area of operation is in Iloilo. Their primary activity is robbery holdup and secondary is gun-for hire. They are also involved in other crimes based on the warrants of arrest that were implemented,” ani Lindero.

Dagdag pa ni Lindero na matagal ng wanted sa kasong kriminal si Lego pero pansamantala itong nagtago sa Cavite base sa monitoring ng mga pulis.

“This (arrest) will have an impact on our anti-criminality campaign in the province and other parts of the region considering that they also have activities in neighboring provinces. The capture of Lego would also send a message to his co-leader Rowen Libuna that it won’t be long before he will be arrested,” ani pa ni Lindero. Mary Anne Sapico