Lider ng kongresista itinumba!

Lider ng kongresista itinumba!

May 4, 2022 @ 10:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binaril at napatay ang isang lider ni incumbent Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel nitong Martes.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon si Renato “Atong” Canilao, 47, ng Barangay Tonsuya.

Nabatid na tinadtad ng bala si Canilao bandang alas-3:36 ng hapon habang naglalakad sa Kadima basketball court pagkaalis sa campaign headquarters ng mambabatas.

Mariin namang kinondena ni Lacson-Noel ang pamamaslang at sinabing si Canilao ay isang kaibigan at malaking kawalan. Merly Iral