Lider ng Palacio Group timbog sa pagbebenta ng baril

Lider ng Palacio Group timbog sa pagbebenta ng baril

December 11, 2022 @ 3:24 PM 2 months ago


NUEVA VIZCAYA – Bumagsak sa bitag na isinagawang entrapment operation ng mga kasapi ng Crime Investigation and Detection Group Provincial Field Unit o CIDG PFU at Solano Police Station sa probinsiya ng Nueva Vizcaya sa ilalim ng pinaigting na “Oplan Paglalansag OMEGA/Salikop” operasyon ng kapulisan na nagresulta sa pagkakahuli ng lider ng Palacio Group na “gun-runner” sa Brgy. P.D Galima, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa ipinarating na ulat kay PLtCol. Dionisio Bonoy, Regional Chief ng CIDG RFU2 ang suspek ay kinilalang si Jelicano A. Palacio Jr., 53 anyos at residente ng San Mateo, Isabela na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act.

Nasamsam ng mga awtoridad ang isang caliber 9mm pistol; isang 9mm magazine; at pitong bala nito.

Pansamantala nasa kustodiya ng CIDG ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa. Rey Velasco