Lider ng Sarimos drug group timbog sa Cavite

Lider ng Sarimos drug group timbog sa Cavite

January 29, 2022 @ 10:56 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Kulong ang  sinasabing lider ng notoryus na Sarimos drug group sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Paliparan, lungsod ng Dasmariñas, Cavite.

Tinukoy naman ang suspek na si Joel Perez Sarimos, 40 na nakatira sa Governor’s Drive, Barangay Paliparan 1.

Sa ulat, itinuturong lider ng drug group si Sarimos at sangkot sa gun-for-hire activities.

Habang nakumpiska rin dito ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Sarimos.

Nahaharap din ang suspek sa kasong pagalabag sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act at Unlawful Acquisition. RNT/FGDC