Lider ng Soriano Robbery Group, arestado sa Manila City Hall

Lider ng Soriano Robbery Group, arestado sa Manila City Hall

June 19, 2018 @ 3:59 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Arestado  ang lider ng Soriano Robbery Group sa loob mismo ng compound ng Manila City Hall kaninang umaga.

Sa impormasyong nakalap, nakilala ang suspek na si Melvin Soriano y Magno, 25 anyos,  walang asawa, nakatira sa 915-A San Antonio St., Maynila.

Dakong alas 10 ng umaga nang maaresto si Magno sa ikalimang palapag ng Manila City Hall sa pangunguna ng Intel tracker team PS/Insp. salvador Iñigo Jr.

Bitbit ang warrant of arrest sa kasong Theft na inisyu ni Hon.Judge Marlo A.Magdoza Malagar ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19  ay agad tinungo ang kinaroroonan ng suspek matapos ma-trace sa pamanagitan ng tracker.

Dinala rin ito sa Ospital ng Maynila para sumailalim sa medical examination bago dalhin sa Ermita Police Station  para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)