Lider ng Supremo Criminal gang, bulagta sa search warrant ops matapos manlaban sa parak

Lider ng Supremo Criminal gang, bulagta sa search warrant ops matapos manlaban sa parak

June 19, 2019 @ 5:16 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Patay ang itinuturong lider ng Supremo Criminal Gang matapos makipagpalitan ng putok sa mga operatiba sa isinagawang search warrant sa Tondo, Miyerkoles ng umaga.

Target sa operasyon ang nasawi na si Salazar Liwanag Santos alyas “Bong” at  “Supremo”, 33-anyos, dispatcher, may live-in partner at residente ng sa Building 24, sa Barangay 128, Zone 10, District 1, Tondo gayundin ang apat na iba pang kasamahan ni Supremo dahil umano sa pag-iingat ng armas.

Dead on Spot ang suspek sa illegal possession of firearms na kinilalang si Salazar Santos, alyas “Supremo,” 33-anyos ng Building 24, Permanent Housing sa Balut, Tondo, Maynila, matapos na manlaban sa mga operatiba ng CIDG Manila sa isinagawang search warrant sa loob ng kanyang bahay. C. Heramis/J Mabanag

Sa ulat ni P/Master Sergeant Jorlan Taluban ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -9:10 ng umaga nang maganap ang engkuwentro sa Building 24 nang ikasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Smokey Mountain, Criminal Investigation and Detection Group-Manila, Manila Police District-Station 1 at Special Weapons and Tactics ang mga suspek bitbit ang search warrant laban sa mga ito.

Dead on Spot ang suspek sa illegal possession of firearms na kinilalang si Salazar Santos, alyas “Supremo,” 33-anyos ng Building 24, Permanent Housing sa Balut, Tondo, Maynila, matapos na manlaban sa mga operatiba ng CIDG Manila sa isinagawang search warrant sa loob ng kanyang bahay. C. Heramis/J Mabanag

Sa pagsalakay sa Building 24 ng mga operatiba ay nauwi sa putukan nang manlaban ang mga suspek.

Dito na bumulagta si Salazar, naaresto naman ang dalawa pang suspek habang nakatakas naman ang isa pa.

Nakuha sa pag-iingat ni Salazar ang dalawang hand grenade, isang kalibre 45 baril na may magazine at mga bala. Jocelyn Tabangcura-Domenden