Lider ng ‘tayag criminal group’ arestado

Lider ng ‘tayag criminal group’ arestado

July 17, 2022 @ 4:45 PM 4 weeks ago


TARLAC –ARESTADO ang lider ng isang notoryus na grupo ng kriminal sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Concepcion.

Kinilala ni Lt. Col. Reynold B. Macabitas, acting chief of police ng Concepcion, ang nadakip na suspek na si Rollie Tayag, 44, ng Barangay Sta. Monica, Concepcion .

Sa pinagsamang pwersa ng Concepcion Municipal Police, 1st Provincial Mobile Force Company, Criminal Investigation and Detection Group, Police Regional Office 3 (PRO-3), naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ronald Leo T. Haban ng Regional Trial Court Branch 66 in Capas, Tarlac.

Si Tayag ay kilalang pinuno ng Tayag Criminal Gang at nasa listahan ng Top 10 priority high-value individuals ng PRO-3.

Nahaharap si Tayag sak kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of the Republic Act 9165 at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan./Mary Anne Sapico