Liderato ng Kamara kinastigo sa pakikialam sa pagpili ng minority leader

Liderato ng Kamara kinastigo sa pakikialam sa pagpili ng minority leader

July 27, 2022 @ 11:05 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Binatikos ni Albay Rep Edcel Lagman ang liderato ng Kamara sa ginawa nitong pakikialam sa pagpili ng Minority Leader kung saan malinaw na wala na umanong parliamentary democracy.

“I have enough evidence to show that a caucus was held and members of the minority had been anointed by the leadership,”pahayag ni Lagman.

Dismayado si Lagman na ang tunay na pakahulugan sa Minorya ay wala na.

“This is an open secret, a brutal fact. A eunuch of a minority leader who is a convenient adjunct of the majority coalition makes parliamentary democracy a shameful farce.Seeking refuge under the wings of the ruling majority at the expense of one’s convictions is abhorrent. Self-respect is precious. It is not a commodity for partisan haggling,” pahayag ni Lagman.

Sinabi pa ni Lagman na ang Minority Leaders ay hindi dapat nanunumpa sa harap ng House Speaker gaya na lang sa kaso ni dating Minority Leader Benny Abante subalit sa kaso ni Libanan ay mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nanggasiwa ng kanyang oath of office.

“The Minority Leader is not supposed to be beholden to the majority”ani Lagman.

Pinuna din nito na ang House Secretary General ang syang nag0aanunsyo ng meeting ng Minority gayundin ang pagtatalaga ni Libanan ng mga lider ng Minority Bloc na hiningan pa ng approval mula sa House leadership.

“That should never be done. The deputies and assistant minority leader should never be approved by the House. That is the prerogative of the minority unless the minority is an adjunct of the majority,” dagdag pa nito.

Agad naman dumepensa si 4Ps party-list representative at House Minority Leader Marcelino Libanan, aniya, ang kanyang pagkakaluklok sa pwesto ay alinsunud sa 1987 Constitution at House rules kung saan ang hindi boboto sa nanalong House Speaker ang syang bubuo sa House Minority Bloc at sila ang boboto ng magiging Minority Leader. Gail Mendoza