Liderato ng pinakamatagal na presidente sa mundo, inaasahang tatagal pa

Liderato ng pinakamatagal na presidente sa mundo, inaasahang tatagal pa

November 21, 2022 @ 10:14 AM 2 weeks ago


DAKAR — Bumoto nitong Linggo ang Equatorial Guinea sa general election kung saan si President Teodoro Obiang Nguema, world’s longest-standing president, ay inaasahang mapapalawig pa ang kanyang 43-year rule sa maliit na oil-producing West African nation.

Mahigit 400,000 indibidwal ang nagparehistro sa bansa para bumoto. Ihahalal din ng mga botante ang 100 miyembro ng parliament para sa lower house, 55 sa 70 senators ng bansa, at local mayors.

Inaasahang ang 80-anyo na si Obiang pa rin ang magwawagi na laging nakakukuha ng 90% ng boto sa eleksyon, bagama’t ilang international observers ang kinukwestiyon ang pagiging patas nito dahil sa mga reklamo ng rights groups ukol sa kakulangan ng political freedom.

Sakaling mahalal, ito na ang ika-anim niyang termino laban sa dalawang opposition candidates – Buenaventura Monsuy Asumu, na ika-anim na beses nang nakakalaban  ni Obiang sa pwesto, at Andrés Esono Ondo, na unang beses tumakbo sa nasabing posisyon.

“The presidential election is completely devoid of suspense,” pahayag ni Maja Bovcon, senior Africa analyst sa risk intelligence company Verisk Maplecroft.

“The closure of the borders and the harassment and arrests of opposition supporters have been paving the way for the extension of Obiang’s 43-year rule,” dagdag niya. RNT/SA