Liderato ng Senado, nakidalamhati sa pagpanaw ni FVR

Liderato ng Senado, nakidalamhati sa pagpanaw ni FVR

August 1, 2022 @ 9:47 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakidalamhati at nakiramay sa pamilya sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pamilya pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Valdes Ramos nitong umaga ng Linggo.

Nakiramay din sa pagpanaw ni Ramos si Senador Nancy Binay sa pagsasabing na muling nawalan ang bansa ng isa sa nangungunang liwanag nito.

Ayon kay Zubiri na si Ramos, o mas kilala bilang FVR, ay isa sa pinakamatalinong lider ng bansa na palaging nakaunang hakbang sa lahat sa anumang desisyon at gagawin nito.

:We have a lost a truly brilliant man,” ayon kay Zubiri.

“Maybe it was his military background, but as a politician he was always able to quickly assess the landscape, and formulate the best way forward through consultation and consensus,” dagdag ng lider ng Senado.

Sinabi ni Zubiri na nag-iwan si FVR ng legasiya ng isang uri ng demokratikong liderato na pinayagan tayong umunlad bilang baghong Asian tiger noong 90s.

“And beyond economic progress, he also left an indelible mark on our peace process, which I particularly admire him for, as a Mindanaoan myself. He met eye to eye with the MNLF and the other Armed groups, recognizing their struggle and their freedom to pursue their cause,” giit ni Zubiri.

“Even well past his days in Malacañang, he was committed to helping the country regain and maintain its status as a center of socio-economic progress. He never stopped being a brilliant and committed leader, and we are a poorer nation for his loss,” patapos ni Zubiri,

Samantala, nakiisa din si Villanueva sa pakikidalamhati ng buong bansa sa pagpanaw ni Ramos na palaging maalala ang dating pangulo sa kanyang lideratong nagsuliong sa Pilipinas patungo sa bagong milenyo.

“Nananatiling buhay po sa puso ng bawat Pilipino ang kanyang pangarap na maging isang “Tiger Economy” ang Pilipinas. Ang kanyang iconic na “thumbs up sign” at ang kanyang “Kaya Natin” mentality ay patuloy pong magbibigay ng inspirasyon sa atin upang magsulong ng kaunlaran ng bansa,” ayon kay Villanueva.

“Ipinapaabot rin po natin ang ating pakikiramay sa pamilya ng yumaong pangulo. Rest in peace and God bless you, FVR,” pagtatapos ni Villanueva.

Para naman kay Binay, muling nawalan ng leading lights ang Pilipinas sa pagpanaw ni Ramos dahil nakapamuhay ang mamamayang Filipino sa kanyang panahon nang puno ng pag-asa.

“The nation has lost one of its leading lights. FVR oversaw massive economic gains for the country that were translated to programs for the welfare of the people. He also successfully brokered peace with rebel groups, extending the hand of peace with programs that sought to address the roots of discontent,” ani Binay.

Sinabi pa ni Binay na sa pamumuno ni FVR, tinamasa ng sambayanan ang kapayapaan, katatagan, at pag-unlad.

“Sa panahong ito ng matinding kalungkutan, kaisa ako ng sambayanang Pilipino sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng isang mahusay, epektibo, at dakilang pinunong nakilala ng bansa,” ayon sa senadora.

Samantala, buong pusong nakiramay din si Senador Lito “Pinuno” Lapid sa pagpanaw ng dating Pangulong Ramos na inalala ang papel nito sa pagsusulong ng ekonomiya at preseso ng pangkapayapaan.

“Kasama ang buong sambayang Pilipino, nakikiramay ako sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Ramos. Sa kanyang pagpanaw, nawalan tayo ng isang matatag at tinitingalang lider ng bansa. Inaalala natin ang kanyang napakaraming nagawang mabuti sa ating bayan lalo na noong sya pa ang Pangulo kasama na ang pagpapayabong sa ating ekonomiya at pag-usad ng peace process,” ani Lapid.

Aniya, habambuhay nating tatanawin na utang na loob ang kanyang serbisyo sa bayan at alam nating ginawa nya ang lahat bilang miyembro ng Sandatahang Lakas at bilang lider ng bansa dahil sa pagmamahal niya sa ating Inang Bayan.

“Nakikiramay ako sa naiwang pamilya at mga mahal sa buhay ni FVR. Maraming salamat sa inspirasyon at serbisyo sa bayan, FVR. Paalam,!” aniya. Ernie Reyes