Liderato sa DOH inialok sa mga doktor pero inilingan – Garin

Liderato sa DOH inialok sa mga doktor pero inilingan – Garin

October 25, 2022 @ 3:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inialok sa ilang mga doktor ang posisyon bilang kalihim ng health department subalit tinanggihan ito, ayon sa mambabatas nitong Martes.

Inihayag ito ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, dating health secretary, sa gitna ng mga tanong ukol sa hindi pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Department of Health chief sa unang apat na buwan ng kanyang termino.

“As far as I know, the position of secretary of health has been offered to many qualified individuals already but they don’t want to give up their practice,” aniya.

“Marami ang takot kasi baka mamaya ubusin kami ng kaso diyan. Kawawa naman ‘yung aming pamilya. There are a lot of circumstances that has actually paved the way for many doctors to fear government service,” aniya pa.

Kasalukuyang pinamumunuan ang DOH ng officer-in-charge nito na si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kaso naman ni Vergeire, sinabi ni Garin na sakaling italaga siya bilang kalihim ng kalusugan, maraming mawawala sa kanya.

“If she will be appointed as secretary of health, it goes with it she’s ready to let go of government service after 6 years or she’s ready to be removed anytime by the President or she’s ready not to be confirmed with the Commission of Appointments,” base sa mambabatas.

“These are situations that many people are not seeing. Maraming qualified pero halos walang gusto because of the vulnerability,” dagdag niya.

Dinepensahan naman ni Garin ang pagkakatalaga kay dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan bilang DOH undersecretary.

“Give DOH a chance,” giit niya.

Bilang dating pinuno ng DOH at pamilyar sa sistema ng ahemsya, sinabi ni Garin na kailangan din ng ahensya ng managers at hindi lamang mga doktor at scientist.

Hindi umano bago sa ibang abnsa ang pagtatalaga sa isang miyembro ng militar sa health position/

“We have a lot of technical directors and technical scientists and experts inside the Department of Health na ‘yung mga boses nila hindi makalabas. Andaming magagaling sa loob na hindi makalabas,” ani Garin. RNT/SA