Liderato sa oposisyon ipinasa na ni VP Robredo kay Hontiveros

Liderato sa oposisyon ipinasa na ni VP Robredo kay Hontiveros

June 27, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinasa na ni Vice President Leni Robredo nitong Lunes ang opposition leadership baton kay Senator Risa Hontiveros, ang nag-iisang opposition candidate na nagwagi sa Halalan 2022 Senate race.

Naganap ito sa oath-taking ceremony ni Hontiveros na pinangasiwaan ni Robredo sa kanyang opisina sa Quezon City.

“Ikaw na ang aming leader. Nasa likod mo lang kami, tutulong, kung kailan mo kami kailangan. You are now the highest elected official in the opposition,” pahayag ni Robredo tatlong araw bago matapos ang termino.

“Kampante kami na patuloy mong ipaglalaban kung ano ang mabuting pamamahala, naroon kami na sumusuporta sa iyo. Kami na ang mga sundalo mo,”  patuloy niya.

Gayundin, pinuri ni Robredo ang paggamit ni Hontiveros sa opisina upang tulungan ang mga nasa laylayan.

“Yung aking paghanga sa ‘yo ay lalo pang dumoble nung ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na humawak ng kapangyarihan, from being in Congress hanggang sa pagiging senator. Nagamit mo ‘yung posisyon para sa maging boses para sa mga pinakamaliliit,” ayon sa outgoing vice president.

“Lahat kami masaya na ikaw ‘yung natitirang humahawak ng ating bandila,” dagdag ni Robredo.

Bilang tugon, tiniyak ni Hontiveros na gagawin ang makakaya para sa mahirap na susuungin.

“We will help spur economic growth and restore healthcare services disrupted by the pandemic. As promised, we will facilitate and push for increase of budgets for agencies integral to our recovery initiatives. Tuloy pa rin ang ating adbokasiya para sa Healthy Buhay at Hanapbuhay,” aniya.

“I remain an advocate in protecting our constitutional freedoms and our most basic human rights: freedom of expression, freedom of assembly, freedom of the press. All these are fully guaranteed.”

“But we will not tolerate people who bear false information. We will fight back harder, against rumors, lies, propaganda, and fake news. Let me make this even clearer: this is a stern warning to all the dubious characters in the fake news universe: This time, we will not let your reckless disregard for truth slander our democracy—our country— ever again,” giit pa niya.

Sinuguro naman ni Hontiveros ang suporta kay Robredo sa anti-poverty initiatives nito sa labas ng public office.

“We will continue to support and work with Vice-President Leni Robredo, other opposition leaders, parties, and movements to redress inequality on the ground. Pararamihin natin ang mga Pilipinong nakikibahagi sa proseso ng demokrasya, upang maramdaman ng mas marami pa ang mga resulta nito,” aniya.

“May we all remain strong in the fierce battle ahead,” dagdag niya. RNT/SA