Lifeguards pinakalat ng PCG sa Visayas tourist spots

Lifeguards pinakalat ng PCG sa Visayas tourist spots

April 18, 2022 @ 11:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang pagdagsa ng mga bakasyunista at turista sa iba’t ibang beach resort sa Region VIII ngayong panahon ng tag-init.

Dahil dito, mahigpit na binabantayan ngayon ng mga lifeguard at iba pang personnel ng Philippine Coast Guard District Eastern Visayas ang mga beach resort para na rin sa kaligtasan ng mga bakasyunista.

Nagde-deploy ang PCG ng mga lifeguard sa matataong resorts at water sports destinations sa rehiyon, lalo na sa Kalanggaman, Canigao, Lake Danao, Guiuan, at McArthur Park sa Palo, Leyte.

Ito ay para masiguro ang kapakanan ng publiko at masuportahan ang pagbangon ng lokal na turismo. Jocelyn Tabangcura-Domenden