Lifestyle check ikakasa sa resigned PNP generals, colonels – Azurin

Lifestyle check ikakasa sa resigned PNP generals, colonels – Azurin

January 11, 2023 @ 10:02 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na isasailalima nila sa lifestyle check ang mga heneral at mga colonel ng PNP na nagpasa ng kanilang courtesy resignation.

Ani Azurin, ang lifestyle check ay bahagi ng mga ginagawa ng five-man committee na suriin ang courtesy resignation at gumawa ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pinakahuling bilang, mayroon nang mahigit 500 high-ranking police officials ang nagpasa ng kani-kanilang courtesy resignation ngunit hindi pa malinaw kung kasama dito ang 10 naiulat na sangkot sa illegal drug trade.

Samantala, sinabi ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), na mas mainam na kasuhan na lamang ang mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade kaysa hilingin sa lahat ng senior officials na magbitiw sa pwesto dahil maaari umano itong makapagdulot ng demoralization sa PNP.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa naging pahayag ng VACC. RNT/JGC