Lifestyle checks sa public officials itigil na; kayamanan ‘di nagpapatunay na korap – Martires

Lifestyle checks sa public officials itigil na; kayamanan ‘di nagpapatunay na korap – Martires

September 22, 2020 @ 2:42 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ni Ombudsman Samuel Martires na ipinatigil na niya ang pagsasagawa ng lifestyle checks sa public officials dahil sa hindi naman ito nagpapatunay ng korapsyon.

 “Nung umupo ako, pinatigil ko muna ang lifestyle check kasi matagal na ako may duda sa probisyon ng batas tungkol sa lifestyle check. Gusto ko i-propose sa Congress ng amendments sa 6713 kasi yung provisions there, malabo, walang hulog sa logic,” paliwanag ni Martires.

“Bakit ko pinatigil? What is living beyond your means? Iyong kumikita ng P50,000 a month, lives in a small house, nakaipon, bumili ng BMW na promo, zero interest, kayang-kaya niya hulugan, is he living beyond his means? I don’t think so. What he has are distorted values and distorted priorities.”

“Anong pakialam natin? Bakit natin siya huhusgahan na bumili ng BMW kahit ang bahay niya walang paradahan? Anong pakialam natin sa buhay ng may buhay kung hindi naman siya nagnanakaw?” punto pa nito.

“We have to redefine what is living beyond your means. What is simple living to me may not be simple living to you or anyone.”

Sa kabila nito, nakamandato sa Section 8C.A of RA 6713 ang paglalahad ng SALNs sa publiko.

“Sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, di namin kailangan ng SALN sa [pagpatunay ng] undue injury, undue advantage, even plunder,” giit pa nito.

“Saan ba gagamitin ang SALN? Ginagamit lang ang SALN para siraan ang opisyal ng pamahalaan.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...