Lifetime membership sa IBP kapalit ng voluntary work sa Bar exams – SC

Lifetime membership sa IBP kapalit ng voluntary work sa Bar exams – SC

September 19, 2022 @ 7:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pagkakalooban ng lifetime membership sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang abogado na magkakaloob ng volunteer service sa nalalapit na Bar examination.

Inaprubahan ng Supreme Court en banc ang resolusyon ng IBP na mabigyan ng insentibo ang abogado na boluntaryong tutulong sa idaraos na pagsusulit.

Kinakailangan lamang isumite sa IBP ng abogado ang sertipikasyon na nagbigay ito ng serbisyo sa bar exams na may lagda ng Chairperson ng Bar examination.

Ang 2022 Bar examination ay idaraos sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20.

Patuloy na gagamitin ng SC ang examination delivery program na “Examplify”. Sa ilalim ng programa, gagamitin ng mga examinees ang sarili nitong device sa venue na monitored ng mga proctor. Teresa Tavares