Liga ng mga barangay, pabor sa BSKE postponement

Liga ng mga barangay, pabor sa BSKE postponement

September 23, 2022 @ 4:29 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pabor ang Liga ng mga Barangay (LnB) sa panukalang ipagpaliban ang December 5 Barangay and Sanggunian Kabataan Election ngayong taon.

Ayon kay LNB President Dr. Eden Chua Pineda, ang pagpapaliban ng eleksyon sa Disyembre ay makatutulong upang matapos ng mga opisyal ng barangay ang mga proyektong naudlot dahil sa COVID-19 pandemic.

“Humihingi po kami ng postponement sa election na ito precisely because we were not also able to implement our programs sa bawat barangay. Kasi nga po ‘yung pondo pa rin ng barangay ay nai-channel po sa COVID-19,” paliwanag ni Pineda.

Dagdag pa ng presidente ng LNB, sa dalawa at kalahating taon ng pandemya ay maraming mga programa ang hindi naipatupad at ito ang nararapat na panahon para maisakatuparan ito.

Maliban dito, inihayag rin ng Liga ng mga Barangay ang suporta sa panukala rin ng ilang mambabatas na palawigin ng hanggang anim na taon ang termino ng mga barangay at SK officials mula sa kasalukuyang tatlong taon. RNT/JGC